Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) ang pagkansela nito sa nakatakda sanang bidding para sa tatlong coal concession areas bunsod ng pangangailangang muling suriin at ayusin ang umiiral na framework sa paggawad ng mga operating contract.
Sa inilabas na pahayag ng DOE, iginiit na ang hakbang na ito ay naglalayong matiyak na ang anomang kontrata sa hinaharap ay magpapakita ng pagpapahalaga sa mga indigenous energy resources at totoong maghahatid ng malinaw na benepisyo para sa bawat mamamayang Pilipino.
Ang nasabing termination ay kasunod ng mga pangambang inihayag ng mga stakeholder sa mga isinagawang pre-submission conference, pati na rin ang mga kamakailang kaganapan sa Semirara Island sa Antique.
“Ongoing water seepage may affect the volume of extractable coal reserves, while the legal dispute involving the current operator and the DOE over coal operation assets creates uncertainties that could affect prospective bidders’ operational plans and bidding strategies,” paliwanag ng DOE.
Binigyang-diin ng DOE na ang mga natukoy na lugar ay may kumpirmadong “mineable coal reserves” na nagtataglay rin ng commercial quantity na handa na para sa development at production stage.
Dahil dito, itinuturing ang mga ito na mahahalagang ari-arian ng estado na dapat magdulot ng angkop na pakinabang sa ekonomiya at sa pambansang interes.