Mainit ang naging pagtanggap ni Executive Secretary Ralph Recto kay Japanese Senate Vice President Fukuyama Tetsuro, sa pagbisita nito sa Maynila, upang isulong pa ang parliamentary exchanges sa pagitan ng Japan at Pilipinas.
Sa pagbisitang ito, pinagtibay rin ang Comprehensive Strategic Partnership sa pagitan ng dalawang bansa, kasunod ng huling pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan, nitong May.
Kapwa, siniguro ng Pilipinas at Japan ang commitment ng dalawang bansa na pagtibayin pa ang kooperasyon sa depensa, maritime security, energy, infrastructure and development.
Gayunrin sa linya ng kalakalan at pamumuhunan, at people-to-people ties.
Kasama sa courtesy call sila Japanese Senators Kawai Takanori, Hiraki Daisaku, at Umemura Mizuho. | ulat ni Racquel Bayan