National Dairy Authority, nakaalerto sa epekto ng El Niño sa dairy sector
Puspusan ang paghahanda ng National Dairy Authority sa posibleng epekto ng El Niño sa dairy sector.
Sa programang USAPANG AGRIKULTURA, sinabi ni National Dairy Authority Administrator Atty. Marcus Antonius Andaya na kabilang sa kanilang paghahanda ang source feeds para sa dairy animals.
Sa first half ng 2026, pumalo sa 25.38 million liters ang local milk production, mas mataas ng 21.2 percent mula sa 20.94 million liters sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.