Mariing pinabulaanan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kumakalat na post na nagsasabing may dalawang nasawi sa isinagawang rally sa Maynila noong Setyembre 21.
Ayon kay NCRPO Spokesperson PLt. Col. Hazel Asilo, walang naiulat na casualty kaugnay ng naturang rally.
Aniya, walang nasawi sa isinagawang pagtitipon kahapon.
Dagdag pa ni Asilo na pinaiiral nila ang maximum tolerance sa nasabing pagtitipon upang maiwasan ang pagkakaroon ng tensyon kahapon.
Muli namang sinuguro ng NCRPO na walang katotohan ng nasabing kumakalat na balita at patuloy naman ang kanilang pinaiiral ang maximum tolerance sa mga nag sasagawa ng kilos protesta sa buong Metro Manila.