Nagtalaga ang Department of Migrant Workers (DMW) ng isang division na partikular na tututok sa mga online illegal recruitment ads.
Ito ayon kay DMW Usec. Darlene Pajarito ay dahil isa ang third country recruitment sa mga binabanayan ng pamahalaan sa kasalukuyan.
Ito iyong pagri-recruit ng mga turista o Filipino workers sa ibang bansa, at aalukin ng pekeng trabaho sa isa ring third world country.
Sabi ng opisyal, isang paraan sa recruitment process ng mga ito, sa pamamagitan ng online.
“So, iyon talaga ang mahirap din ngayon kasi marami ang naloloko na may magandang trabaho and this is done through online recruitment.” -Pajarito.
Ayon sa opisyal, ang itinalagang dibisyon ang nakaktutok sa mga online post kaugnay sa illegal recruitment.
“Well, ang DMW naman, mayroon kaming isang division na tumututok the Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Persons Deivion.” -Pajarito.
Sa oras na mayroong mamataan ang kanilang mga tauhan na post, kaugnay sa posibleng illegal recruitment, agad silang makikipag-ugnayan sa Tiktok at Meta, upang ma-takedown ang mga post.
Mabilis naman aniyang tumutugon ang social media sites na ito.
“So, tumututok sila diyan 24/7 sa mga online posts and then kapag may nakita sila, may memorandum of agreement kami sa Meta Philippines and TikTok Philippines, na kapag may nakita niri-report kaagad sa kanila and TikTok Philippines and Meta Philippines kaagad naman nilang tini-takedown iyan.” -Pajarito.
Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 230, 000 posts na mula sa Facebook at Tiktok, ang naipa-alis ng gobyerno.
Karamihan aniya sa mga ito, naga-alok ng umano’y magandang trabaho abroad. “So far, since 2022 hanggang 2026, 230,000 na posts ang na-takedown ng Meta Philippines and TikTok Philippines. Karamihan diyan na nagsasabi na may trabaho na maganda overseas.” -Pajarito.