Pinatawan ng 90-araw na suspensyon ng Sandiganbayan si Uswag Ilonggo Rep. James Ang Dit Ang Jr. kaugnay ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Iniutos ng Sixth Division ang preventive suspension kay Ang habang dinidinig ang kaso.
Inatasan din ng korte ang Speaker of the House of Representatives na ipatupad ang suspension at iulat sa Sandiganbayan ang naging aksyon sa loob ng 15 araw.
Nauna nang itinanggi ni Ang ang alegasyon at sinabi sa kanyang depensa na wala na siyang pagmamay-ari sa Allencon Development Corporation.
Ipinunto rin ng kanyang kampo na hindi dapat awtomatikong ipatupad ang suspension at maaaring mawalan ng kinatawan sa Kamara ang USWAG Ilonggo.
Gayunman, sinabi ng Sandiganbayan na kinakailangan ang preventive suspension sa ilalim ng Section 13 ng RA 3019 kapag natugunan ang mga rekisito para rito.