Photo courtesy of Matt Thistlethwaite MP
Magbibigay ang Australia ng 45 milyong Australian dollars o tinatayang 2 bilyong piso na grant para suportahan ang mga negosyo at prayoridad na sektor sa Pilipinas.
Inilunsad sa Maynila ang limang taong programang PROGRESS, na tatakbo mula 2026 hanggang 2031.
Kabilang sa mga tututukan nito ang renewable energy, offshore wind, imprastraktura, carbon market, at digital economy.
Layunin din ng programa na mapadali ang pagnenegosyo, mahikayat ang mas maraming pamumuhunan, at makalikha ng trabaho.
Ayon sa Australia, bibigyang-pansin din ang pantay na oportunidad para sa kababaihan, persons with disabilities, at mga marginalized na sektor.
Pinangunahan nina Australian Assistant Minister for Foreign Affairs and Trade Matt Thistlethwaite at Finance Secretary Frederick Go ang paglulunsad ng programa sa Maynila.