Nagkasundo ang Department of Agriculture at National Commission on Indigenous Peoples na palakasin ang mga programang pang-agrikultura at pangisdaan para sa mga katutubong Pilipino.
Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan ng dalawang ahensya para mas maayos na maipatupad ang DA-Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo o 4K Program, kabilang ang livelihood support, produksyon, marketing at enterprise development.
Ayon sa DA, titiyakin din ang makabuluhang partisipasyon ng mga katutubo at paggalang sa kanilang Indigenous Knowledge Systems and Practices.
Tungkulin naman ng NCIP na pangasiwaan ang Free and Prior Informed Consent o FPIC process at tiyakin ang proteksyon sa karapatan ng Indigenous Cultural Communities at Indigenous Peoples.
Hanggang Agosto 2026, nakatulong na ang 4K Program sa 256 ancestral domains na may kabuuang 31,239 ektarya at 461 IP organizations.
Nakapagpatupad din ang programa ng 1,464 subprojects at nagsagawa ng mga training na dinaluhan ng mahigit 58,000 participants.