Tinutugis na ng mga awtoridad ang isang taong umano’y nag-impluwensiya sa menor de edad na sangkot sa deadly school shooting sa Banga, South Cotabato.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, nasa Pilipinas ang suspek at natukoy na ng mga awtoridad ang kinaroroonan nito.
Sinabi ni Remulla, na sa online conversations umano nahikayat ang estudyante na gumawa ng karahasan, matapos samantalahin ang kaniyang insecurities.
Iniugnay rin ng DILG chief ang insidente sa exposure umano ng estudyante sa deep dark web.
Dahil dito, mahigpit na binabantayan ng pamahalaan ang online threats na may kaugnayan sa school shootings.
Una nang umapela si Remulla sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak laban sa online violence.