Iginagalang ng Malacañang ang panawagan ni US President Donald Trump sa mga bansang kasapi ng International Criminal Court (ICC) na kumalas na sa aniya’y ”rogue institution.”
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, ang Malacañang, hindi nakikita na maaapektuhan nito ang nagpapatuloy na paglilitis sa mga kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC.
Aniya, sa kasalukuyan kasi, kapwa kinikilala ng mga complainants, mga abogado, prosekyusyon, at depensa ang proseso ng nagpapatuloy na mga paglilinis.
Kaugnay nito, binigyang-diin ng opisyal na nananatili rin ang posisyon ng Marcos Administration na hindi pa napapanahon upang muling umanib ang Pilipinas sa Rome Statute.