📷 DSWD
Ikinalugod ng Department of Social Welfare and Development ang pag-exempt ng COMELEC sa ilang programa at serbisyo nito sa spending ban bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE sa November 2.
Ayon sa DSWD, makatutulong ang exemption para tuloy-tuloy na maipaabot ang ayuda sa mga mahihirap at vulnerable sectors, lalo na sa mga nangangailangan ng agarang tulong.
Kabilang sa mga exempted programs ang Supplementary Feeding Program, Sustainable Livelihood Program, Social Pension for Indigent Senior Citizens, Walang Gutom Program, Pag-Abot Program, Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon, SHIELD Against Child Labor Program at UPLIFT Assistance.
Gayunman, hindi kabilang sa exemption ang regular na pamamahagi ng AKAP, AICS at 4Ps mula October 23 hanggang November 2, maliban sa medical at burial assistance para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Tiniyak ng DSWD na susundin nito ang mga kondisyon ng COMELEC, kabilang ang pagbabawal sa presensya ng mga elective official, kandidato, nominee o aspirant sa pamamahagi ng cash aid.