Itinutulak ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapalakas pa sa cybersecurity measures sa kanilang hanay.
Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, mismong ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na ang nagkumpirma na ang mga naitalang insidente ng karahasan sa mga paaralan ay konektado sa mga online groomer.
Ani Padilla, hindi na dapat itong ipagsawalang-bahala dahil ang isyu sa cybersecurity ay maituturing na isang national concern pagdating sa aspekto ng seguridad.
Giit pa ng AFP, na hindi na lang ito isang physical security perspective kung hindi mas maituturing na itong cybersecurity concern kung saan pangunahing target ay ang mga kabataan.