Tinututukan na ngayon ng Department of Education (DepEd) ang digital connectivity bilang isa sa pangunahing prayoridad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa tulong nito ay mas mabibigyan ng access ang mga guro at mag-aaral sa research materials gayundin ay makapag-aral pa rin sila sa tahanan kahit pa sa panahon ng sakuna.
Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara na tinutugunan na rin ng DepEd ang ICT gaps sa 2027 kung saan kabilang sa mga inihaing solusyon dito ay ang pagpapa-unlad pa sa ARAL Program, at maging ang hakbang para sa mental health at kaligtasan sa paggamit ng social media para sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Kinakailangan kasing kasabay ng pag-usad ng modernisasyon ay maging modernized na rin ang learning at teaching approach upang mas maitaas pa ang learning capacity ng mga kabataan.