Pagsuspinde ng excise tax sa diesel at gasolina, hindi pa inirerekomenda ng economic team
Sinabi ni Finance Secretary Frederick Go na batay sa konklusyon ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), hindi progresibo kapag inalis ang buwis sa diesel at gasolina.
Sa assessment ng DBCC, malaki ang magiging bahagi sa benepisyo ng higher-income consumers dahil sila ang mas kumokonsumo ng gasolina at diesel.
Dahil dito, naisip aniya nila na panatilihin ang buwis at ipatupad ang targeted subsidy sa vulnerable sectors.
Sinabi rin ng Finance chief na nasa ₱12 billion kada buwan ang mawawalang kita ng gobyerno kapag inalis ang naturang excise tax.