Suportado ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang panukalang kumuha ng prangkisa sa mga social media at online platforms bago makapag-operate sa bansa.
Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, makatuwiran isailalim sa ganitong requirement ang mga platform dahil may malaking epekto ang mga ito sa publiko.
Aniya, katulad ng mga broadcaster na kinakailangang may prangkisa upang makapag-operate sa Pilipinas, dapat ding magkaroon ng kaparehong pamantayan ang malalaking online platforms.
Kamakailan ay inihain ni House Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez ang House Bill (HB) 4786 o ang Social Media Platform Franchise Act.
Sa ilalim nito, ikakasalipika na bilang public service ang mga pangunahing social media platfrom kaya kailangang kumuha ang mga ito ng prangkisa sa Kongreso upang makapag-operate sa Pilipinas.