Mabilis na naihatid ang tulong at serbisyo ng pamahalaan para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Split Croatia.
Ito ay sa tulong ng ginanap na dalawang araw na “Alagang OWWA Serbisyo Caravan” sa Split, Croatia nitong Setyembre 23 at 24.
Daan-daang OFW ang nakatanggap ng tulong gaya ng pagkuha ng OWWA e-Cards, membership transactions, at iba pang serbisyo mula sa mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), PhilHealth, Pag-IBIG, at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Katuwang naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang Caritas, PAO, Migrant Workers Office Vienna, at Philippine Embassy sa serbisyo caravan
Ayon kay OWWA Administrator PY Caunan tuloy-tuloy lang ang serbisyo caravan sa pag-ikot sa iba’t ibang lugar katunayan didiretso ito sa Zagreb, Croatia sa Setyembre 26 hanggang 27. Gaganapin ito sa Matija Gubec International School mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.