Umabot sa 96% ang efficiency rate ng Unified 911 emergency hotline mula Enero hanggang Agosto 2026 matapos na matugunan ang 12.7 milyong tawag sa buong bansa.
Kabilang sa mga tawag na ito ang mga humingi ng tulong ng pulisya, fire suppression, ambulansya, search and rescue, at iba pang emergency response.
Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), bahagi ito ng patuloy na pagpapalakas ng response capabilities nito.
Matatandaang nasa 163 Unified 911 emergency response motorcycles ang naipamahagi sa mga lokal na pamahalaan at regional police offices sa Regions 5, 6, 8, at NCR, para mapabilis ang pagtugon ng mga responder.
Nangako ang DILG na patuloy nitong palalakasin ang Unified 911 system sa pamamagitan ng mas maraming investment, training, at mas malapit na koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at emergency response units.