Umapela ang Federation of Free Farmers sa pamahalaan na mas mapalawak pa ang mga benepisyo at insentibo ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa.
Sa Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Federation of Free Farmers Chairperson Leonie Montemayor, na oras na bigyan ng kasiguruhan ng pamahalaan ang mga magsasaka hinggil sa magandang kita sa kanilang ani ay tiyak direkta na nitong maaapektuhan ang productivity rate o yield ng mga magsasaka.
Kung mapapataas kasi ang produksiyon ay masasagot na rin nito ang isyu sa food security na susundan naman ng pagbaba ng presyo ng pagkain.
Kung nakikita kasi ng isang magsasaka na maganda ang kita sa kanyang ani ay lalo pa itong gaganahan na paramihin ang produksiyon nito.
Magandang bagay din kasi upang masalag ang mataas na production cost at ang pagpapataas ng yield ng ani ng mga magsasaka.