Bumisita sa Malacañang ang bagong halal na BARMM Interim Chief Minister at Bangsamoro Federal Party (BFP) Chairman Abdulraof Macacua matapos ang kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections, kung saan nanguna ang kanyang partido.
Personal na nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng matagumpay na halalan.
Ayon sa Palasyo, hudyat ito ng pagkumpleto sa political track ng Bangsamoro peace process at transition ng rehiyon tungo sa isang ganap na elected parliamentary government.
Sa pagharap kay Pangulong Marcos, tinalakay rin ang mga susunod na hakbang para sa bagong pamahalaan ng BARMM, kabilang ang pagpapatuloy ng mga programang pangkaunlaran, mga pangunahing serbisyo at ang normalization track para sa kapayapaan sa rehiyon.
Kung matatandaan, naging pangkalahatang mapayapa ang makasaysayang halalan na nakapagtala ng halos 84% voter turnout.
Kasama sa nasabing pulong sina Executive Secretary Ralph Recto, Special Assistant to the President Anton Lagdameo at MILG Minister Jordan Bayam.