Isinusulong ng Department of Budget and Management o DBM ang halos P229 milyong pondo para sa Electric Vehicle Industry Development Program sa proposed 2027 national budget.
Aabot sa P228.92 milyon ang panukalang pondo, mahigit pitong beses na mas mataas kumpara sa P32.46 milyon ngayong 2026.
Gagamitin ang pondo sa pagpapalawak ng electric vehicle charging infrastructure sa piling government offices at pagtatayo ng pasilidad para sa testing ng EV charging systems.
Bahagi ito ng panukalang P5.58 bilyong budget ng Department of Energy o DOE para sa 2027.
Ayon kay DBM Acting Secretary Kim Robert C. De Leon, layunin ng mas malaking pondo na suportahan ang paglipat sa mas malinis na transportasyon habang pinalalakas ang energy security ng bansa.
Nakahanay rin ang programa sa clean-energy agenda ni President Ferdinand R. Marcos Jr., kabilang ang pagpapalawak ng paggamit ng electric vehicles sa pamahalaan.