Pinuri ng International Maritime Employers’ Council ang patuloy at walang-tigil na suporta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng pamahalaan sa kapakanan ng mga marino.
Ayon kay International Maritime Employers’ Council Director Captain Belal Ahmed, maituturing na isang monumental event ang isinagawang Philippine Maritime Convention upang mas maiugnay pa ang iba’t ibang maritime stakeholders sa Philippine seafaring market gayundin sa iba pang international seafaring industries.
Ani Ahmed, naging malaking instrumento ang kampanya at suporta ng Marcos Administration sa Maritime industry ng Pilipinas upang mas mapalakas at mapa-unlad pa ito.
Umaasa rin ang International Maritime Employers’ Council na lalo pang lalawak at lalakas ang seafaring labor force ng Pilipinas.