Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na patuloy ang pagbibigay nila ng proteksiyon sa mga Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs na kabilang din sa mga apektado ng sunod-sunod na pagsipa ng presyo ng petrolyo.
Sa programang Mark In, Mark Out, sinabi ni Trade Secretary Ma. Cristina Roque na bukas pa rin ang iba’t-ibang loan windows and programs ng Small Business Corporation (SB Corp) para sa mga maliliit na negosyante.
Aabot hanggang sa P5 millio ang kanilang maaaring i-loan na wala nang kinakailangang collateral at may grace period din sa pagbabayad ng principal interest sa loob ng isang taon.
Patuloy din ang pagbibigay ng trade shows ng DTI upang mapalakas pa ang productivity at kita ng mga MSMEs at mabigyan sila ng tiyansang makilala sa buong bansa.
Ibinida rin ni Roque ang napakagandang track ng Philippine exports na lalo pa ngayong magpapalakas hindi lang sa ekonomiya ng bansa kundi mas magbibigay ng oportunidad sa mga MSME.