Sama-samang naglayag sa West Philippine Sea ang 11 naval vessels mula sa walong bansa.
Layon nitong sanayin ang participating forces sa tamang proseso, palakasin ang tiwala, ugnayan at pagtutulungan ng depensa ng magkabilang panig.
Bahagi ito ng Sea Phase ng ASEAN Defense Ministers’ Meeting-Plus (ADMM-Plus) Experts’ Working Group on Maritime Security (EWG-MS) Joint Cooperative Activity.
Ang ADMM-Plus ay nagsisilbing mahalagang regional platform kung saan pinag-uusapan ng defense ministers ang malawak na security concerns.
Ngayong taon, nakatuon ang ADMM-Plus EWG-MS sa pagpapalakas ng maritime security at environmental resilience sa gitna ng climate change.
Kabilang sa mga barko na lumayag ay frigate BRP Jose Rizal at landing dock BRP Tarlac; US littoral combat ship; Australian frigate; Japanese helicopter destroyer; New Zealand frigate at sustainment ship; Indian frigate at corvette; Singaporean littoral ship; at Brunei patrol ship.
Hindi naman lumahok ang China sa Sea Phase, subalit isang People’s Liberation Army Navy warship ang namataan malapit sa lugar kung saan may operasyon ang participating vessels.
Nag-isyu ng radio challenges ang BRP Jose Rizal sa Chinese vessel subalit walang tugon.