Courtesy of Rep. Benny Abante/FB
Bumwelta si House Committee on Human Rights Chairperson at Manila Representative Bienvenido “Benny” Abante Jr. kay Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte kaugnay sa kritisismo nito sa binagong panuntunan ng voting threshold ng Senate.
Ayon kay Abante, malinaw na pinoprotektahan lamang ng kongresista ang kanyang kapatid na si VP Sara Duterte.
Ito ang tugon ni Abante na isa sa endorser ng impeachment complaint laban sa bise presidente sa pagkwestyon ni Duterte sa desisyon ng mga senator-judges.
Iginiit din ng mambabatas mula sa Davao na ang Korte Suprema ang dapat magpasya sa naturang isyu.
Bagamat kinilala ni Abante ang karapatan ni Pulong Duterte sa sarili nitong opinyon, buong-puso niyang ipinagtanggol ang naging desisyon ng korte.
Aniya, naniniwala siyang alinsunod sa Konstitusyon ang ginawa ng Impeachment Court.
Ipinapaubaya rin ng Manila solon sa taumbayan ang paghuhusga kung alin sa kanilang mga pananaw ang mas tama at katanggap-tanggap.