Kinumpirma ni Senate President Sherwin Gatchalian na naipadala na nila sa Malacañang ang enrolled bill ng panukalang pagpapalawig ng termino ng mga barangay at SK officials.
Sa ilalim ng panukala, madadagdagan ng dalawang taon pa ang termino ng mga kasalukuyang nakaupong barangay at SK officials kaya mauusog din ang Barangay at SK elections (BSKE) sa November 2028.
Naka-schedule sanang isagawa ang BSKE ngayong Nobyembre.
Ayon kay Gatchalian, in-adopt na ng kamara ang bersyon ng senado ng panukalang ito.
Wala rin aniya silang impormasyon ive-veto ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaya inaasahang anumang oras ngayong linggo o sa susunod na linggo ay mapipirmahan na ito bilang ganap na batas.