Aabot sa ₱20 bilyon na institutional amendments ang isinusulong para sa panukalang ₱643.95 bilyong budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa 2027, ayon kay Surigao del Sur Representative Romeo Momo Sr., sponsor ng budget ng ahensya sa plenaryo.
Sinabi ni Momo na gagamitin ang amendments para sa realignment ng pondo para sa mga kinakailangang infrastructure projects.
Nilinaw naman niyang walang karagdagang pondo ang kailangan dahil mananatili ito sa loob ng kabuuang budget ng DPWH.
Ayon kay Momo, may mga proyekto na maaaring manatili pero posibleng mabawasan ang kanilang allocation para bigyang-daan ang mga panukalang realignment.
Sa hiwalay na panayam, sinabi naman ni DPWH Secretary Vince Dizon na posible pang mabawasan ang ilang proyekto habang nagpapatuloy ang prioritization ng ahensya.
Tinitignan aniya nila kung ano yung mga hindi na masyadong priority at ito ang babawasan.
Titiyakin naman aniya nila magiging transparent ang proseso ng pagpili at pagpopondo.