Pinaghahanda na ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka at mangingisda sa posibleng epekto ng Bagyong Queenie.
Ayon sa DA, bagama’t hindi inaasahang direktang tatama sa kalupaan ng bansa ang bagyo, maaari pa rin itong lumakas habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at magdulot ng mas matinding pag-ulan, pagbaha, at landslide.
Pinapayuhan ang mga magsasaka na anihin na ang mga pananim na maaari nang anihin at linisin ang mga irrigation canal para maiwasan ang pagbaha.
Samantala, hinimok naman ang mga mangingisda na ipagpaliban ang paglalayag kung inaasahang magiging maalon ang karagatan.