CREATOR: gd-jpeg v1.0 (using IJG JPEG v62), default quality?
Tagumpay na naisagawa ng Philippine Heart Center (PHC) ang kauna-unahang robotic-assisted cardiac surgery nito gamit ang Da Vinci Xi Robotic Surgical System.
Ginamit ang teknolohiya sa mga pasyenteng nangangailangan ng valvular at congenital heart surgery.
Sa naturang operasyon, nasa dalawang sentimetro lamang ang hiwa sa tagiliran ng pasyente kaya mas maliit ang sugat, mas mabilis ang paggaling at mas mababa ang posibilidad ng impeksyon.
Kinilala ng Department of Health (DOH) ang hakbang bilang bahagi ng pagpapalawak ng advanced at world-class specialty care sa bansa.
Patuloy ding sinusuportahan ng DOH ang pagsasanay ng mga medical professional at pakikipagtulungan sa mga ospital para mapalakas ang serbisyong pangkalusugan.