Patuloy na inilalapit ng administration sa mga Pilipino ang serbisyong pangkalusugan at pagbawas sa gastusing medikal, lalo na para sa mga residenteng nasa liblib na lugar.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbisita sa newly reconstructed Felipe Abrigo Memorial Hospital (FAMH) sa Guiuan, Eastern Samar.
Kung matatandaan, matapos masira ng Bagyong Yolanda ang ospital noong 2013, pansamantala itong inilipat habang isinasagawa ang rehabilitasyon.
Nagpatuloy ang pagbibigay nito ng serbisyong medikal kung saan nakapagtala ng 3,078 admissions, habang nasa 969 patients ang nakatanggap ng ₱2.6 million na tulong medikal sa ilalim ng YAKAP program.
Ayon kay Castro, sinagot ng PhilHealth ang 2,800 claims na nagkakahalaga ng ₱72.41 million.
Agad namang isinagawa ang pagsasaayos ng ospital, gamit ang ₱858.54 million mula sa Korea International Cooperation Agency, Department of Health, at lokal na pamahalaan.
“Ngayon, malapit na itong maging moderno at matatag na pagamutan na inaasahang magbubukas sa publiko sa susunod na buwan oras na makumpleto ang mga permit at accreditation nito.” —Castro
Binigyang-diin ng Pangulo na patuloy na pinalalawak ang iba’t ibang programang pangkalusugan ng pamahalaan kabilang na ang Zero Balance Billing na umabot na sa 3.57 million patients ang natulungan na mayroong kabuuang ₱95.84 billion na hospital bills; sa ilalim ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP).
“Umabot na sa 1.71 million patients ang natulungan ng pamahalaan; nakapagbigay na rin ng libreng gamot sa aabot sa higit isang milyong pasyente sa pamamagitan ng 3,215 facilities sa ilalim ng Guaranteed and Accessible Medications for Outpatients Treatment o GAMOT program; umabot na rin sa 2,279 na gamot ang VAT-exempt.” —Castro