Pinatunayan muli ng Pilipinas ang paninindigan nito sa pagprotekta sa karagatan, pagsunod sa international law at pagsusulong ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
Sa ginanap na United Nations General Assembly sa New York, nanawagan si Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro sa iba’t-ibang bansa na palakasin ang international law at ang patuloy na pagtutulungan para sa seguridad sa karagatan.
Binigyang-diin ni Secretary Lazaro na mahalagang protektahan ang mga critical maritime infrastructure gaya ng mga ruta ng kalakalan at komunikasyon sa ilalim ng dagat upang mapanatili ang malayang paglalayag at ekonomiya ng mga bansa.
Giit pa ng kalihim, patuloy na makikipagkapwa-tao at makikipagtulungan ang Pilipinas upang masiguro ang kapayapaan at seguridad sa mga karagatan batay sa UNCLOS.
Kabilang naman sa dumalo sa assembly ang mga bansang Canada, Japan, Netherlands, Estonia, Bahrain, at ang European Union. | ulat ni Louisa Erispe
j