Photo courtesy of Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)
Isinusulong ng Metropolitan Manila Development Authority ang paggamit ng artificial intelligence at digital technology para mapahusay ang pamamahala ng basura sa Metro Manila.
Sa isang roadmap implementation workshop, tinalakay ang pagtatayo ng Waste Digital Twin at Command Center katuwang ang World Bank.
Layunin nitong magkaroon ng mas mabilis at sistematikong monitoring sa solid waste management at operasyon ng mga pumping station at mechanized trash traps.
Kasama sa talakayan ang mga kinatawan ng Metro Manila LGUs at iba’t ibang tanggapan ng MMDA.
Tampok sa pilot phase ang AI-enabled Digital Twin framework para sa mga pumping station na pinatatakbo ng MMDA. Inaasahang makatutulong ang proyekto sa mas episyenteng waste monitoring, flood control at pagpapanatiling malinis ng mga daluyan ng tubig sa Metro Manila.