Pinaiigting ng National Food Authority ang rice procurement, distribution at modernization program nito.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., mahalaga ang NFA sa pagpapanatili ng sapat at abot-kayang suplay ng bigas.
As of September 18, nasa 278,444 metric tons ang inaasahang milled rice inventory ng NFA.
Mula January hanggang September, nakabili ang NFA ng mahigit 92 libong metric tons ng palay.
Nakumpirma rin ang distribusyon ng mahigit 207 libong metric tons ng bigas, kabilang ang para sa P20 rice program.
Samantala, P10.363 billion ang inilaan para sa 36 modern facilities at rehabilitation ng 128 warehouses. Layunin ng modernization program na mapalakas ang food security at gawing mas episyente ang operasyon ng NFA.