Sumasailalim na sa hands-on training sa South Korea ang sampung engineers ng Philippine Space Agency bilang paghahanda sa unang liquid-fueled rocket test launch ng bansa sa 2027.
Isinasagawa ang training mula August hanggang October, katuwang ang South Korean space company na Perigee Aerospace.
Sinasanay ang mga Filipino engineers sa assembly, systems integration, testing at operasyon ng liquid-fueled sounding rocket.
Planong isagawa ang test launch sa Lal-lo, Cagayan sa 2027, gamit ang Blue Whale 0.1.
Magdadala ito ng locally developed payload na humigit-kumulang dalawang kilo sa altitude na hindi bababa sa limang kilometro.
Susukatin ng payload ang radio signals, kabilang ang mula sa 4G LTE cell towers, na maaaring makatulong sa pagtukoy ng mga lugar na mahina ang cellular coverage. Ayon sa PhilSA, bahagi ang proyekto ng pagpapalakas ng kakayahan ng bansa sa rocket development, launch operations at pagbuo ng sariling space industry.