Inanunsiyo ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang extension na hanggang October 31, 2026 para sa mga online seller, online merchant, digital platform operator, at iba pang sakop na taxpayer na mag-display ng BIR Registration Seal Badge.
Ayon sa BIR, layon ng extension na mabigyan ng sapat na panahon ang mga sakop na taxpayer na makakuha at maayos na maipakita ang Registration Seal Badge bilang patunay ng kanilang registration sa ahensya.
Dahil dito, wala munang ipapataw na penalty sa hindi pag-display ng Seal Badge habang umiiral ang extended compliance period hanggang October 31.
Sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular No. 99-2026, kailangan itong nakapaskil sa kanilang websites, e-commerce o marketplace pages, social media accounts, at iba pang digital platforms.
Patuloy namang hinihikayat ni BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza ang mga online seller at iba pang covered taxpayer na gamitin ang dagdag na panahon para makumpleto ang naturang requirement.