Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government o DILG na malapit na umano nilang matunton ang tinawag ni DILG Sec. Jonvic Remulla na “satanist groomers” sa likod ng pamamaril sa mga paaralan.
Ani Remulla, bukod sa konsepto ng “satanism” ay itinuturo rin ng nasabing grupo sa mga kabataan ang “nihilism”.
Dito kinokondisyon ang pag-iisip ng mga kabataan na gumawa ng karahasan at kusang mawalan ng pag-asa.
Dagdag pa ng kalihim na bukod sa mga isinasagawang hakbang ng law enforcement, ay mahigpit din ang atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magsagawa ng nationwide na pagtuturo sa mga magulang ng tunay na nangyayari sa online environment ng mga kabataan.