Iginiit ni National Bureau of Investigation o NBI Director Atty. Melvin Matibag na nananatili ang matibay nilang commitment sa international community partikular sa International Criminal Court o ICC para sa pag-aresto kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Aniya, kinakailangan nang sagutin mismo ni Senador Bato ang mga ipinupukol sa kanya at alam din naman nito ang mga implikasyon ng kanyang pagtatago at sa mga epekto nito habang tumatagal ang paghahanap sa kanya.
Pagdating naman sa pabuya na 50 million pesos sa pagkaka-aresto kay Senador Bato, giit ni Matibag na kung silan man ang makahuli dito ay isasauli pa rin ito ng NBI sa pamahalaan.
Ayon kay Matibag, maaari ring gamitin ang naturang pondo para sa serbisyo-publiko, kabilang na ang posibleng kontribusyon sa retirement fund ng NBI.
Panawagan naman ni Matibag kay Senador Dela Rosa na huwag nang patagalin ang pagtatago nito at kusa nang sumuko sa mga otoridad.