Na-discharge na at pinayagang makabalik sa Milan, Italy ang karamihan sa mga Pilipino na naapektuhan ng Germany bus accident.
Nasa Munich, Germany ang mga opisyal ng Philippine Consulate General in Frankfurt kasama ang OWWA Rapid Response Team at Philippine Honorary Consul in Munich para makipag-ugnayan sa ipagkakaloob na tulong sa mga Pilipino.
Kasalukuyan pa ring nagpapagamot ang ilang Pilipino matapos lubhang masugatan.
Nagpasalamat naman ang PCG Frankfurt sa German first responders at care workers sa mabilis na pagtugon at patuloy na pag-aalaga sa mga naapektuhan ng aksidente.
Para sa anumang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa 24/7 hotline ng Consulate General, sa numerong +49 151 535 46 841.