Photo courtesy of Department of Agriculture (DA)
Itinakda na ng Department of Agriculture (DA) sa December 31, 2026 ang deadline sa pagpaparehistro ng mga pasilidad na nag-iimbak ng produktong agrikultural at pangisdaan.
Kabilang sa kailangang magparehistro ang mga warehouse, cold storage, at iba pang storage facility.
Isasagawa ang registration sa pamamagitan ng Registry System for Agri Storage (RSAS).
Inatasan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang DA officials na tiyaking maipaalam sa mga operator ang deadline.
Layunin ng registry na matukoy ang lokasyon ng mga pasilidad at dami ng kanilang imbentaryo, kabilang ang mga imported na produkto.
Ayon sa kalihim, bahagi ito ng pagpapatupad ng Republic Act No. 12022, o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, laban sa smuggling, hoarding at iba pang paglabag sa agricultural supply chain.