Photo courtesy of AP News
Walang Pilipino ang napaulat na nananatili sa temporary shelters kasunod ng malakas na ulan at malawakang pagbaha sa Thailand.
Ayon kay Philippine Ambassador to Thailand Millicent Cruz-Paredes, patuloy nilang binabantayan ang kalagayan ng mga Pilipino lalo’t inaasahang magpapatuloy ang pag-ulan.
Nagbibigay din ang Embahada ng tubig at iba pang pangangailangan ng Filipino community sa gitna ng napaulat na panic buying at food hoarding.
Aniya, hindi naman ganun kalala ang sitwasyon.
Samantala, nanawagan ang opisyal sa mga Pilipino sa Thailand na manatiling naka-alerto at ipagbigay-alam ang kanilang pangangailangan.