Photo courtesy of the Department of Migrant Workers
Lumagda sina Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac at Slovak Ambassador to Manila Miloš Koterec sa joint communiqué para sa pagkakaroon ng Labor Consultation Mechanism na layong palawakin ang oportunidad sa trabaho at negosyo ng Pilipinas at Slovakia.
Ayon kay Cacdac, mapapanatili nito ang dayalogo at mapapalalim ang kooperasyon sa shared labor priorities.
Mapo-protektahan din ng kasunduang ito ang karapatan ng migrant workers, maitataguyod ang inklusibong paglago at makabuluhang employment opportunities.
Kabilang sa tinalakay ng dalawang bansa ang sharing labor market data and job opportunities, pagpapadali sa recruitment systems at pagtugon sa pagkilala ng professional credentials.