Inatasan ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang mga Police Unit na paigtingin ang pagbabantay sa mga lugar na apektado ng matinding tagtuyot.
Ito’y kasunod ng mga banta ng matinding tagtuyot bunsod ng Strong El Niño na posibleng makaapekto sa suplay ng pagkain at tubig.
Panwagan ni Nartatez sa publiko, manatiling mahinahon at makipgtulungan upang masigurong may sapat na pagkain at tubig para sa lahat.
Nanawagan din ang PNP Chief na iwasan din ang maagang pag iimbak ng labis na suplay sa mga panahong ito.
Batay sa ulat ng PAGASA, nakararanas na ng matinding tagtuyot ang ilang lugar sa bansa simula ngayong buwan hanggang December.
Posible pa itong maramdaman hanggang sa kalahatian ng susunod na taon. | ulat ni Jaymark Dagala