Buo ang kumpiyansa ng Bureau of Customs (BOC) na maaabot nila ang ₱1-trillion na target revenue collection bago matapos ang taon.
Sa ngayon kasi pumalo na sa ₱664-billion ang revenue collection ng BOC mula Enero hanggang Agosto 2026, mas mataas ng ₱43-billion kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong 2025.
Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, buo ang kanyang paniniwala na naaabot na ng BOC ang tinatawag na collection efficiency kung saan mas mahigpit na sila sa proseso ng revenue collection.
Kaakibat nito ang mas pinaigting na kampanya ng BOC sa paglilinis ng kanilang hanay upang matiyak na walang tiwaling Customs officials ang nananatili sa kanilang hanay.
Ilan nga sa mga nasampolan na sa matinding internal cleansing ng BOC ang siyam na tauhan nito sa Subic na sinampahan ng reklamong paglabag sa Customs Modernization and Tarrif Act bunsod ng misdeclared ₱17.5-million na halaga ng mga smuggled na sibuyas at carrots sa Port of Subic.