Hindi titigil sa kanilang pagbabantay at pagseserbisyo ang Philippine National Police (PNP) para tiyakin ang maayos at mapayapang pagdaraos ng TIGIL-PASADA ng mga Transport Group sa kanilang ikatlong araw.
Kasabay nito, iniulat ng PNP na nakapaghandog sila ng “LIBRENG SAKAY” sa iba’t ibang panig ng Metro Manila gayundin sa buong bansa kung saan naka-apekto ang ginawang aktibidad ng grupong PISTON.
Kahapon, nakapagpakalat ng mahigit sa 8,000 tauhan ang Pambansang Pulisya para magbantay at umalalay sa mga apektadong pasahero.
Ayon kay PNP Spokesperson, Police Col. Allen Rae Co, batay sa kanilang pagbabantay ay kakaunti lang ang mga sumama sa TIGIL-PASADA dahil mas pinili pa ng karamihan sa mga tsuper ng jeepney ang mamasada.

