Umalis na sa Iraq ang mga natitirang tropa ng Estados Unidos matapos ang mahigit dalawang dekadang presensiyang militar doon.
Ayon sa ilang mga Iraqi security official, nagdudulot ito ng pangamba na maaaring lumakas ang mga militia group na suportado ng Iran, maging ang muling pag-usbong ng Islamic State.
Ang nasabing pag-alis ay bahagi ng kasunduang ginawa noong 2024 upang wakasan ang misyon ng international coalition laban sa Islamic State.
Bago ang pag-atras ng tropang Amerikano roon, naging katuwang ito ng Iraqi security forces sa intelligence, surveillance, at operasyon kontra terorismo.
Bagama’t itinuturing ng ilang Iraqi ang pag-alis bilang hakbang tungo sa soberanya, may pangamba naman tungkol sa seguridad.
Sa ngayon, nakatutok ang Baghdad sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad habang mino-monitor ang mga grupong kaalyado ng Iran at aktibidad ng Islamic State.
Susubukan din ng Iraqi forces na patunayan kung kaya nilang protektahan ang bansa nang may mas kaunting tulong mula sa Estados Unidos.