Photo courtesy of Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)
Planong palawakin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang skills training at livelihood opportunities ng mga mangingisda.
Ito ang nakapaloob sa Memorandum of Agreement na nilagdaan ng dalawang ahensya.

Saklaw ng tatlong taong kasunduan ang technical-vocational training, certification at skills development para sa mga mangingisda at coastal communities sa Fisheries Management Areas 6 at 9.
Tutulong ang BFAR sa profiling at pag-endorso ng mga benepisyaryo, gayundin sa market assistance.
Samantala, ang TESDA naman ang magkakaloob ng training at certification na naaayon sa pangangailangan ng mga komunidad.
Layunin ng programa na magkaroon ng dagdag na kasanayan at pagkakakitaan ang mga mangingisda at mapalakas ang katatagan ng coastal communities.