Umakyat pa sa ₱22.98 million ang kabuuang humanitarian assistance na naipagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang apektado ng El Niño.
Ayon sa DSWD, bukod pa ito sa ₱1.31 million na ipinamahaging tulong ng mga lokal na pamahalaan.
Kabilang sa assistance ng kagawaran ang family food packs at emergency cash assistance sa ilang apektadong komunidad.
Samantala, nasa ₱1.48 billion pa ang nakahandang Quick Response Fund ng DSWD Central Office, habang may karagdagang ₱45.38 million na standby funds sa ilang DSWD Field Offices na maaaring gamitin para sa relief operations.
Mayroon ding mahigit 3.8 milyong family food packs na naka-pre-position sa mga Disaster Resource Center at DSWD Field Offices, bukod pa sa ₱1.42 bilyong halaga ng iba pang relief items.
Sa kasalukuyan, nasa 73,239 pamilya o 154,615 indibidwal sa 792 barangay sa Regions II, MIMAROPA at V ang apektado ng El Niño.