Inanunsyo ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ang pagpapatupad ng truck ban sa lungsod mula alas-6 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi habang ongoing ang pagkukumpuni sa ilang mga kalsada rito.
Ayon sa alkalde, kailangan ang truck ban para mabigyan ng pagkakataon ang DPWH na maayos ang mga nasirang kalsada at maprotektahan ang mga ito habang isinasagawa ang road repairs.
Malaki kasi aniya ang naging epekto ng mga overloaded truck kaya lumala at nagkalubak lubak ang kondisyon ng mga kalsada sa lungsod.
Gayunman, magbibigay ang lokal na pamahalaan ng exemption sa mga lehitimong negosyo sa Valenzuela para hindi maantala ang kanilang operasyon at kabuhayan.
Kasunod nito, nanawagan ang alkalde ng pang-unawa at pakikiisa ng mga residente at negosyante habang isinasagawa ang mga hakbang para sa mas matibay at pangmatagalang solusyon sa mga kalsada.
📸 Valenzuela LGU

