Contributed photo
Naghain ngayon ng reklamo sa Office of the Ombudsman si United Pilipinos Against Crime and Corruption o UPACC Chairperson Pyra Lucas laban kay Magalang, Pampanga Mayor Maria Lourdes “Malu” Paras-Lacson at iba pang personnel.
Kaugnay ito ng umano’y iligal na operasyon ng Chuangxing Steel Corporation na una nang ni-raid ng NBI.
Kabilang sa inihaing reklamo ang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, conflict of interest at illegal land reclassification na may kaugnayan sa Chuangxing Steel Incorporated.
Ayon kay UPACC Chairperson Pyra Lucas, malinaw ang conflict of interest ng alkalde dahil ang manpower agency nito ang umano’y nagsuplay ng ng humigit-kumulang 400 na manggagawa sa Chuangxing Steel Corporation.
Lubhang nakaapekto rin aniya sa kalusugan ng mga taga-Magalang, Pampanga ang paggamit ng nasabing kumpanya ng hazardous chemicals.
Una nang inimbestigahan ng mga awtoridad ang operasyon ng Chuangxing matapos itong salakayin ng NBI at PAOCC sa Magalang noong July 18.