Sinabi ni Senador Ping Lacson na pinagtibay ng Supreme Court ang legal na batayan ng reorganisasyon ng senado noong June 3, 2026, kung saan tinanggal bilang Senate President si Senador Alan Peter Cayetano at itinalaga si Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at Acting Senate President.
Ayon kay Lacson, tiniyak ng 12 senador na dumalo sa naturang session na may sapat silang legal na batayan sa kanilang ginawa.
Ibinasura ng Supreme Court en banc ang petisyon nina Lawyers Valeriano Loon at Zigfred Diaz na kumukuwestiyon sa legality ng June 3 session.
sinabi ng korte na hindi napatunayan ng mga petitioner na nagkaroon ng grave abuse of discretion ang mga respondent sa pagdaraos ng session, na ayon sa korte ay lumilitaw na naaayon sa facts, applicable law at jurisprudence.
isa si lacson sa mga respondent sa nasabing petisyon.
ipinaliwanag ni lacson na nakadalo si senador chiz escudero kasama ang 11 miyembro ng noo’y minority bloc upang magkaroon ng quorum, matapos hindi makapag-session ang senado dahil hindi dumadalo ang noo’y majority.
ayon kay lacson, itinuring na 22 senador ang basehan sa quorum matapos ibukod sina ronald dela rosa at senador jinggoy estrada na wala sa “coercive power” ng senado, batay sa ruling ng supreme court sa avelino v. cuenco.
Dahil dito, nagkaroon ng sapat na bilang para maalis si Cayetano bilang senate president at maitalaga si Gatchalian bilang senate president pro tempore at acting presiding officer.
Gayunman, nilinaw ni Lacson na hindi agad inihalal si Gatchalian bilang senate president noong June 3 dahil kailangan ng hindi bababa sa 13 senador para sa halalan ng senate president, alinsunod sa konstitusyon.
Ayon kay Lacson, sapat ang bilang para alisin ang nakaupong senate president pero hindi para maghalal ng bagong senate president. | ulat ni Nimfa Asuncion