Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mass oath-taking ceremony ng 4,125 na bagong-promote at bagong-hire na education personnel ng Department of Education (DepEd) Region II sa Santiago City, Isabela, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Teachers’ Month.
Sa kaganapan, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng Expanded Career Progression (ECP) System sa pagbibigay ng mas maraming pagkakataon para sa mga guro na umunlad at umangat sa kanilang propesyon.
Sa buong bansa, higit 82,000 guro at school heads na ang na-promote sa ilalim ng sistema.
Kasabay ng pagpapalawak ng career opportunities, patuloy ding binabawasan ang administrative workload at pinapahusay ang mga benepisyo para sa mga guro.
Nakikita na rin ang bunga ng mga repormang ito at ng patuloy na pagsisikap ng mga guro, kabilang ang pagtaas ng marka ng Pilipinas sa Reading, Science, at Mathematics sa PISA 2025 kumpara noong 2022.
Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos ang mahalagang papel ng mga guro, hindi lamang sa pagtuturo ng mga aralin, kundi sa paggabay, pag-aalaga, at paghubog sa kinabukasan ng kabataang Pilipino.